Saturday , November 23 2024

2 holdaper itinumba sa hideout (Nagkagulangan sa partehan)

090414 gun dead thiefPATAY ang dalawang notoryus na holdaper makaraan pagbabarilin sa loob ng kanilang hideout bunsod ng gulangan sa partehan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Agad binawian ng buhay ang mga holdaper na sina Eric Bautista, 34, at Victor Magat, 42, kapwa residente ng Phase 1, Package 3, Block 63, Lot 5,  Brgy. 176, Bagong Silang sa nabanggit na lungsod.

Habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang isa pa nilang kasama na si alyas Banong, itinuturing na suspek sa insidente.

Batay sa ulat ni PO3 Gomer Mappala, naganap ang insidente dakong 10:30 p.m. sa hideout ng mga suspek.

Bago ang insidente, hinoldap ng tatlong suspek si Janice Santos, 25, saleslady. Agad nagreklamo sa himpilan ng pulisya si Santos kaugnay sa insidente.

Makaraan ang kalahating oras, nakarinig nang magkakasunod na putok ng baril sa hideout ng mga suspek at pagkaraan ay natagpuang bangkay na sina Bautista at Magat.

Hinala ng pulisya, nagkagulangan sa partehan ang mga suspek kaya naganap ang insidente.

Kinokontak ng mga awtoridad ang nabiktimang salesladay upang matukoy kung ang mga suspek ang homoldap sa kanya.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *