Friday , January 3 2025

Baboy maingay, amo sinakal ng senglot na kapitbahay

11114 baboyLA UNION – Dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang ginang upang ireklamo ang lasing nilang kapit-bahay na nanakit sa kanyang mister at nanloob sa kanilang bahay dahil sa ingay ng kanilang mga alagang baboy sa Brgy. Imelda, sa bayan ng Naguilian, La Union.

Kinilala ang inirereklamong lasing na kapitbahay na si Erwin Caccam.

Sa ulat ng Naguilian Municipal Police Station, abala ang mag-asawang Rodelyn at Ireneo sa pag-asikaso sa kanilang mga alagang baboy ay nilapitan sila ng lasing na si Erwin na nagagalit dahil sa naririnig na ingay ng mga hayop. Pagkaraan ay biglang sinakal ng suspek si Ireneo.

Hindi pa nakontento ay sinundan uli ni Erwin ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay at tinangkang muling saktan si Ireneo.

Samantala, pinayuhan ng pulisya ang misis na idulog rin ang naturang kaso sa barangay justice system sa kanilang lugar.

 

About hataw tabloid

Check Also

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan wrap up 2024 with a heartfelt gift-giving and …

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Sen. Padilla, global experts push medical cannabis for cancer pain management

LEADING global cannabis expert Dr. Shiksha Gallow joined Senator Robinhood “Robin” Padilla in pushing for …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Honey Lacuna Yul Servo Nieto MMFF Manila

Mayor Honey, VM Yul nanawagan sa publiko na tangkilikin ang MMFF

NANAWAGAN sina Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Yul Servo sa publiko na tangkilikin ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *