Thursday , June 4 2026

9 pasahero sugatan sa jeep vs van sa Marikina

080714 road accidentSIYAM katao ang sugatan makaraan magbanggaan ang pampasaherong jeep at van kahapon ng madaling-araw sa Lungsod Marikina.

Ang mga biktimang pawang ginagamot sa Amang Rodriguez Medical Hospital ay sina Virginia Serrano, 13; Ofelia Diaz, 39; Ma. Isabel Macabinquil, 19; Dennis Caraan, 34; at Juvy Rose Prieto, 17, pawang mga residente ng Antipolo City.

Sugatan din sa nasabing insidente sina Eden Bandillo, 20; Kimberly Cater ,19; Dan Jay Adiza, at isang hindi pa nakilalang biktima.

Base sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Sr. Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City PNP, dakong 3:20 a.m., binabagtas ng Mercedez Bens van (UMK-376) ang kahabaan ng Molina St., Brgy. Concepcion. Pagtapat sa stop light intersection ay nag-green light at tiyempong sumulpot ang pampasaherong jeep na nahagip ang van.

Napag-alaman, ang driver ng jeep na si Rowel Romagosa, 18, residente ng 118 Purok 2, Tamengo Compound, Antipolo City ay nasa impluwensiya ng alak habang nagmamaneho.

Si Romagosa ay nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to property.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …