Thursday , June 4 2026

Be Happy, Good Health and Longer Life (Birthday wish ng Palasyo)

101614 Binay PNoyITO ang birthday wish ng Palasyo kay Vice President Jejomar Binay sa pagdiriwang niya ng ika-72 kaarawan nga-yon.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang kinalaman ang Palasyo sa pag-iimbestiga ng Senado sa sinasabing mga katiwalian na kinasasangkutan ni Binay bilang alkalde ng Makati City at ill-gotten wealth ng Bise-Presidente.

Hindi aniya nakikialam ang Malacañang sa mga hakbang ng Senado dahil ibang sangay ito ng gobyerno.

Naniniwala si Valte na ang pagsisiyasat ng Senado kay Binay ay walang epekto sa  relasyon nila ni Pangulong Benigno Aquino III.

“They work when they need to,” ani Valte.

Nauna nang hinamon ni Pangulong Aquino si Binay na magbitiw bilang miyembro ng gabinete nang batikusin ng Bise-Presidente ang administrasyon sa ilang isyu gaya ng mataas na crime rate, at mga aberya sa MRT at LRT.

Nang dumalo si Binay sa special cabinet meeting on Yolanda noong nakalipas na linggo ay hindi siya pinansin ni Pangulong Aquino.

Rose Novenario             

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …