Thursday , June 4 2026

MPD anti-illegal drug unit binuwag (Opisyal, 8 pa sinibak)

111114_FRONTSINIBAK sa pwesto ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Anti-Illegal Drugs Section makaraan makitaan ang opisina nito ng hinihinalang shabu, marijuana at drug paraphernalia.

Sabado ng umaga nang lusubin ni MPD Acting Director, Sr. Supt. Rolando Nana at ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ang opisina sa mismong headquarters ng MPD sa United Nations Avenue at madatnan ang mga droga.

Dinisarmahan ang mga pulis at ipinadala na ang mga ebidensya sa PNP crime laboratory sa Camp Crame para suriin.

Itinalaga muna sa district holding and support unit ang mga pulis na hindi isinapubliko ang pangalan.

Una nang binuwag ng MPD ang district police intelligence unit nito at ang anti-carnapping division dahil sa mga ano-malya.

 

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …