Thursday , June 4 2026

Naghagis ng granada sa MPD 1 todas sa shootout

042514 MPD grenadeTODAS ang isang tinaguriang palos at sinasabing suspek sa paghahagis ng granada sa Manila Police District (MPD) Station 1 makaraan makipagbarilan sa mga pulis na magsisilbi sana ng warrant of arrest laban sa kanya sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay ang suspek na si Armando Castro, nasa hustong gulang, residente ng Squatters Area, Market 3, Navotas Fish Port Complex (NFPC), sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base sa nakalap na impormasyon mula kay Sr. Supt. Romeo Razon Uy, hepe ng Navotas City Police, naganap ang insidente dakong 8:30 p.m. sa loob ng bahay ng suspek.

Tinungo ng mga pulis ang bahay ng suspek bitbit ang warrant of arrest ngunit pinaputukan sila ni Castro.

Isang hindi na pinangalanang pulis ang tinamaan ng bala mula sa suspek ngunit hindi tumagos dahil sa suot na bullet proof vest.

Gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Napag-alaman, si Castro ang pangunahing suspek sa paghahagis ng granada sa MPD Station 1 bukod pa sa iba’t ibang kasong kinakaharap sa Maynila, Quezon City at Navotas.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …