Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

13-anyos utas sa 12-anyos bully

082914 dead babyNAGA CITY – Patay ang isang menor de edad dahil sa pambu-bully ng kanyang kamag-aral sa Tinambac, Camarines Sur.

Kinilala ang biktimang si John Mark Terelios, 13-anyos.

Ayon kay Insp. Gregorio Bascuña, nagsimula ang alitan ng biktima at ng 12-anyos kaklase na kinilala sa pangalang “Timmy” sa loob ng kanilang paaralan sa Tierra Nevada Elementary School.

Aksidenteng natamaan ng bato ni Terelios si “Timmy” na ikinagalit ng suspek.

Dito na nagsimulang magtalo ang dalawa at nang makalabas sa eskwela ay nagsuntukan.

Pauwi na sana ang biktima ngunit habang naglalakad sa daan ay bigla na lamang siyang natumba at hinimatay.

Pinaniniwalaang nagkaroon nang seryosong pinsala sa kanyang katawan ang biktima dahil sa pakikipagsuntukan kaya kahit naitakbo sa ospital ay idineklarang dead on rrival.

Kaugnay nito, ikinokonsidera ng PNP na isang uri ng bullying ang insidente.

Hiling ngayon ng pamilya ng biktima sa pamilya ng suspek na matulungan sila sa mga gastusin sa pagpapalibing sa menor de edad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …