MASUSING iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagkamatay ng isang pulis na natagpuang may tama ng bala ng baril sa sentido kamakalawa ng madaling-araw sa kanilang bahay sa Caloocan City.
Kinilala ang biktimang si PO3 Harold Alfonso, 34, nakatalaga sa Police Security Protection Group (PSPG) sa Camp Crame, at residente ng Baltazar Bukid, Brgy. 70 ng nasabing lungsod, may tama ng bala ng kalibre .9mm baril sa kanang sentido na tumagos sa bibig.
Batay sa ulat ni PO3 Michael Anthony Ramirez, dakong 1:30 a.m. nang matuklasan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang bahay.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung sadyang nagpakamatay ang biktima o may naganap ng foul play sa insidente.
Rommel Sales