Monday , May 20 2024

4 Chinese kinasuhan sa P7-B shabu

022514 shabu prisonPORMAL nang sinampahan ng Department of Justice (DoJ) ng kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act sa Pampanga Regional Trial Court (RTC) ang apat Chinese national na naaresto sa magkahiwalay na raid at nakom-piskahan ng P7 bilyon ha-laga ng shabu.

Kabilang sa kinasuhan ng paglabag sa Sections 8 (Manufacture of Dangerous Drugs and/or Controlled Precursors and Essential Chemicals) ng RA No. 9165 sina Jayson Lee, Willy Yao alyas Jun Lee, at  Near Tan alyas Tsoi.

Habang paglabag sa Section 11 (Posession of Dangerous Drugs) ang ikinaso laban kay Ying-ying Huang alyas Sophia, naaresto sa kanyang bahay sa Pampanga.

Sa resolusyon ng pa-nel of prosecutors na inaprubahan ni Prosecutor General Claro Arellano, may sapat na ebidensya laban sa mga dayuhan lalo pa’t nakakompiska ng ipinagbabawal na gamot nang isagawa ang pagsalakay sa bisa ng isang search warrant.

Matatandaan, noong Setyembre 12, isinagawa ang raid ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) sa Richtown at Greenville Subdivision sa Pampanga.

Sa Richtown Subdivision, nakompiska ang 276 kilo ng shabu habang sa Greenville Subdivision ay185 kilo ng shabu.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan …

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *