Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marco at Tippy, nag-break dahil kay Miles?

102914 marco miles tippy

00 fact sheet reggeeANG galing magtago nina Marco Gumabao at ang singer na si Tippy dos Santos na naka-dueto ni Sam Concepcion na dating nanalo sa nakaraang PhilPop 2013 dahil hindi nalaman ng publiko na naging mag-syota sila at nagkahiwalay na.

Nabanggit lang ng binatang aktor nang ibuking siya ni Manay Ethel Ramos na nakita silang dalawa ni Tippy sa isang mall.

Napangiti si Marco at sinabing, “kakahiwalay lang po namin ng girlfriend ko.”

“Yes po, pero wala na kami.”

Mali pala ang hula ng lahat na si Miles Ocampo na ka-loveteam ng binata sa Luv U ang girlfriend niya dahil minsan nakita silang sweet sa ELJ Starbucks at isa kami sa nakakita.

Hmm, hindi kaya si Miles ang dahilan ng paghihiwalay nina Marco at Tippy?

Biro namin kay Marco na ang galing-galing nilang itago ang relasyon nila, “actually, we both decided na we just keep it private po, but then we just ended up,” magandang paliwanag ng binata,

Tama rin naman, o at least wala siyang masyadong isyu, ‘yun nga lang hindi rin siya masyadong nasusulat maliban na lang kung may presscon ang Luv U o anumang pelikulang kasama siya.

Pagkakataon na rin sana siyang makapanayam ng media sa kasagsagan ng kontrobersiya sa daddy niya na si dating Congressman Dennis Roldan, pero tumahimik lang silang magkapatid na si Michelle Gumabao.

Samantala, kasama si Marco sa seryeng Forevermore nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Gagampanan ni Marco ang papel na JC na bestfriend/confidante ni Enrique Gil kaya kung nasaan ang leading man ni Liza ay naroon din ang una.

Leading man material si Marco kaya tinanong namin kung sino ang gusto niyang makatambal kapag binigyan na siya ng sariling serye at si Liza rin pala ang gusto niya kaya sabi namin ay hindi na puwede dahil may Enrique na.

Bakit hindi si Miles?

“Hindi na po ako ang loveteam ni Miles sa ‘Luv U’ kasi graduate na ako, sila na ni CJ (Novato), actually sila ang partner na sa ‘Luv U’,” sabi ni Marco.

Sa kabilang banda, enjoy si Marco kasama ang ibang cast ng Forevermore dahil hanggang sa susunod na taon pa sila mananatili sa Benguet na sobrang lamig daw.

“Grabe po, as in sobrang ginaw kaya talagang nanginginig na po kami sa ginaw, inaabot kami ng 2:00 a.m., si direk Cathy (Garcia-Molina), naka-short pa rin, pero ‘pag gabi, naka-jogging pants na, hindi na rin kinakaya ang lamig,” pagkukuwento ng aktor.

Si Sofia Andres ang ka-loveteam ni Marco sa Forevermore pero hindi pa niya alam kung ano ang istorya dahil hindi pa nakukunan at hindi pa rin sila nagkikita ng dalaga sa set.

Tulad din ng ibang cast ng nasabing serye ay hoping sila na maging hit din ito katulad ng Got To Believe nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na si direk Cathy din ang direktor.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …