Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eat Bulaga going strong pa rin sa kanilang 35 years sa telebisyon

102914 Tito Vic Joey bulaga

00 vongga chika peterJuly 30, 1979 nang ipanganak ang Eat Bulaga sa RPN 9. Tumagal ng mahabang panahon sa nasabing TV station ang noontime variety show, kasama sina Joey de Leon at magkapatid na Bossing Vic Sotto at Sen. Tito Sotto. Siyempre pa rin ng mga unang taon ng Bulaga sina Coney Reyes Mumar, Chiqui Hollman-Yulo atbp. Nang lumipat ang programa sa ABS-CBN hanggang napunta sila sa GMA 7 ay sinundan pa rin sila ng milyon-milyon nilang televiewers at hanggang ngayon ay hindi sila pinagsasawaang panoorin ng mga Dabarkads. Sa layo na ng narating ng Bulaga maituturing na itong history sa mundo ng telebisyon at konting panahon na lang at baka maisama na sila sa mahabang listahan ng Guiness Book of World Records. Maraming sikat na artista at singer ngayon na produkto ng Eat Bulaga at kabilang na riyan sina Aiza Seguerra, Jessa Zaragoza, Pauleen Luna, Gladys Guevarra Michael V, Gracia, Sexbomb Dancers, Aleng Maliit Ryzza Mae and many more. Ngayon bilang bahagi ng kanilang selebrasyon at pasasalamat na rin sa lahat araw-araw ay Pasko sa Bulaga. Yes milyon-milyong papremyo ang ipinamimigay nila sa Laban O Bawi at tuloy-tuloy rin ang pagbibigay nila ng sangkatutak na biyaya sa Sugod-Bahay sa Barangay. Tunay ngang nananatiling matatag ang programa tulad ng hanggang ngayon ay sikat na trio — sina Tito, Vic and Joey.

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …