Thursday , June 4 2026

Pagbubukas ng UAAP basketball balak na ilipat

072414 UAAP

MALAKI ang posibilidad na lilipat sa ibang petsa ang pagbubukas ng Season 78 ng men’s basketball ng University Athletic Association of the Philippines.

Sa lingguhang forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA) kahapon sa Shakey’s Restaurant sa Malate, sinabi ng secretary-treasurer ng UAAP na si Rodrigo Roque ng punong abalang University of the East na may plano ang liga na ilipat sa Agosto 2015 ang pagbubukas ng men’s basketball dahil halos lahat ng mga pamantasang kasali sa UAAP ay nagbago ang kani-kanilang mga kalendaryo.

Ang NU ay naging kampeon sa men’s basketball ng UAAP noong Oktubre.

Bukod sa paglipat ng men’s basketball, pag-uusapan din ng UAAP board ang planong pagpalit ng ilang mga eligibility rules ng liga tulad ng pagbawas ng residency rule ng mga atleta mula dalawa hanggang isang taon na lang at ang anim na playing years imbes na lima.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …