UUPO bilang talents scouts sa Sabado sina Rommel Padilla, Arnell Ignacio and Ruffa Gutierrez sa Talentadong Pinoy.
At ang apat na talentadong maglalaban-laban ngayong Sabado ay sina Charlie Lumanta also known as Daniel P. Ang kanyang panggagaya raw kay Daniel Padilla ay nagpapatunay na hanga siya sa galing ng kanyang Idol.
Pangalawa si Jerson Gutierrez ng Novaliches also known as ‘Jerson The Great Balancer’ na bata pa lamang ayy tinuruan na ng kanyang ama na magtanghal bilang acrobatics.
Pangatlo naman ang taga-Las Pinas City na si Fritzie Magpoc ay magpapagilas naman ng kanyang talent sa pagkanta.
At pang-apat naman ay si Julius Oberon na maski may kapansanan ay ipakikita ang galing sa pagsayaw kasama ng dance partner na si Rochelle Canoy sa isang dance showdown bilang “BMG Wheelchair Dancesport”.
ni Reggee Bonoan