Thursday , May 2 2024

Multiple bank accounts indikasyon ng Money Laundering (Ayon sa AMLC)

101114 money court amlcINIHAYAG ng testigo ng gobyerno na si Anti-Money Laundering Council (AMLC) investigator Leigh Vhon Santos kahapon, ang multiple bank accounts ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., na milyon-milyong piso ang na-withdraw, ay indikasyon ng money laundering.

Sa cross examination sa Sandiganbayan First Division kahapon, sinabi ni Santos, may 81 bank accounts sa pangalan ni Revilla at mga miyembro ng kanyang pamilya ang nirepaso ng AMLC.

Aniya, 12 sa accounts ay direktang nasa pangalan ni Revilla, misis niyang si Cavite Rep. Lanie Mercado, at sa Nature Concepts Development and Realty Corporation, kompanyang kinokontrol ni Mercado.

“Maintenance of quite a number of bank accounts is an indication of a money laundering scheme… especially considering that the deposits made to these accounts were in cash amounting millions of pesos,” ayon kay Santos.

Karamihan aniya sa cash deposits sa malalaking halaga ay isinagawa sa single-day transactions lamang.


HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Navotas

Navotas magpapatupad ng bagong oras sa trabaho

MAGPAPATUPAD ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng bagong iskedyul ng oras sa trabaho simula 2 …

gun shot

Nurse, 1 pa todas
SENGLOT NA SEKYU SUMEMPLANG 2 TUMULONG PINAGBABARIL

ISANG nurse at isang pang lalaki ang namatay sa pamamaril ng lasing na rider, nang …

road accident

7-anyos, nanay, 1 pa patay, 17 sugatan sa bus na nawalan ng preno

PATAY ang tatlo katao kabilang ang isang 7-anyos na batang babae, ang kanyang nanay, at …

Las Piñas KALINISAN Bagong Pilipinas clean-up drive

Las Piñas nagsagawa ng KALINISAN sa Bagong Pilipinas clean-up drive

INILUNSAD ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at pamahalaang lungsod ng Las …

050124 Hataw Frontpage

Naririnig ko lang na may perks… pero hindi itong MLM scheme – DOH chief
BELL KENZ TUMANGGING SANGKOT SA MULTI-LEVEL MARKETING

ni Niño Aclan ITINANGGI ng kompanyang Bell Kenz Pharmaceutical, Inc., ang akusasyon na sangkot sila …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *