Thursday , June 4 2026

Palasyo tikom-bibig sa PNoy-Binay meeting agenda

101714 pnoy pcg dog bosh boholGINAWARAN ni Pangulong Benigno Aquino III ng “Award of Coast Guard Search and Rescue Medal and Ribbon” ang asong Labrador na si Bosh bunsod ng pagtulong sa paghahanap ng mga biktima ng naganap na lindol sa Bohol. Ginanap ang parangal sa aso sa pagdiriwang ng ika-113 anibersaryo ng Philippine Coast Guard. (JACK BURGOS)

TIKOM ang bibig ng Palasyo sa agenda ng secret meeting nina Pangulong Benigno Aquino III at Vice President Jejomar Binay nitong Martes ng gabi.

“Ang pag-uusap ng Pangulo at Pangalawang Pangulo ay hindi tumukoy sa mga opisyal na usapin,” matipid na sagot ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. hinggil sa kontrobersiyal na secret meeting ng dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa.

Idinahilan ni Coloma na normal sa matagal nang magkaibigan, gaya ng Pangulo at Binay, na madalas na mag-ugnayan nang personal.

Kamakalawa ay isiniwalat ng tagapagsalita ni Binay na si Cavite Gov. Jonvic Remulla na nagkaroon ng heart to heart talk ang dalawa sa Palasyo, ilang oras makaraan batikusin ni Binay ang Pangulo sa 5th MCLE (Mandatory Continuing Legal Education) Accredited National Convention of Public Attorneys sa Manila Hotel hinggil sa aniya’y hindi patas na pagtrato kay dating Pres. Gloria Macapagal-Arroyo at implementasyon ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …