Thursday , June 4 2026

  40 bebot ‘nasagip’ sa hi-end bar(Naibubugaw hanggang P.1-M)

 101014 nbi human traffickMAHIGIT 40 kababaihan, kabilang ang 20 Chinese national, ang nasagip ng mga operatiba ng NBI Anti-Human Trafficking Division sa isang high-end entertainment club sa Remedios St., Malate, Maynila kamakalawa ng madaling araw. (ALEX MENDOZA)

MAHIGIT 40 kababaihan, kabilang ang 20 Chinese national, ang nasagip ng mga operatiba ng NBI Anti-Human Trafficking Division sa isang high-end entertainment club sa Remedios St., Malate, Maynila kamakalawa ng madaling araw. (ALEX MENDOZA)

 

MAHIGIT 40 kababaihan ang nasagip sa pagsalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entertainment club sa Remedios St., Malate, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Kabilang sa mga nailigtas ang 20 Chinese nationals at 10 menor de edad na kokompirmahin pa ang tunay na edad sa pamamagitan ng dental exam. Ang mga nasagip ay dadalhin Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang sumailalim sa interview at counselling. Ipa-paalam din sa Bureau of Immigration ang kaso ng mga Chinese na nasagip.

Naglalaro ang bayad sa mga babae mula P50,000 hanggang higit P100,000 kasama na ang pulutan at inomin.

Ayon kay Atty. Eric Nuqui, hepe ng Anti-Human Trafficking Division ng ahensiya, mabenta sa mga dayuhan ang mga menor de edad. Maituturing din na human trafficking destination ng mga dayuhan ang Filipinas. Kakasuhan ng child abuse at illegal trafficking ang may-ari ng KTV bar at lima pang empleyado ng bar.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …