ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 13 Korean Nationals dahil sa illegal na operasyon ng online gambling business sa Manila.
Ang mga suspek ay hinuli dahil sa impormasyon ng NBI na sila ay sangkot sa nasabing pasugalan na walang permit at ninanakaw ang mga impormasyon sa credit card ng kanilang mga biktima.
Iniimbestigahan din ng NBI ang kompanya na may permit na ang address ay sa North Cagayan ngunit ang kanilang opisina ay matatagpuan sa Pasig City.
Nakatakdang kasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
(LEONARD BASILIO)