ni Ronnie Carrasco III
TATLONG magkakakontemporaryong mang-aawit na babae ang mga panauhin ng isang gay TV host in his late night weekend show.
In fairness, these are old mesdames whose names in OPM ay hindi matatawaran. Late 70’s noong pumaimbulog ang kanilang mga pangalan, earning them unprecedented hits after hits.
Pero hindi ito ang catch. Prangkang tanong ng TV host: nagparetoke ba sila?
Songstress #1: Hindi.
Songstress #2: Botox pero noon pa ‘yon.
Songstress #3: Hindi rin.
Collectively, ang mga awitin nilang tatlo—bukod sa mga naging chart-busters—ay parang iniaangat ka sa HEAVEN dahil sa himig at mensahe ng mga ito. Idagdag pa ang kanilang kakaibang tinig na talaga namang sinamba ng masa.
Pero may kasabihang, “Liars go to HELL.”