Thursday , June 4 2026

Pamilya sinilaban sa Basilan

092514 fire dead

SINUNOG ang tatlong miyembro ng isang pamilya sa Isabela City, Basilan.

Hinihinalang ilang araw nang patay ang mag-anak na kinilalang sina Rodelio Gonzaga, 57; Lucia, 47; at ang kanilang 11-anyos anak na si Virgilio, nang matagpuan sa loob ng kubo sa Campo Barn, Kapayawan, Isabela City.

Nabatid na katiwala ang mag-anak sa lupang kanilang tinitirhan.

Sinasabing Sabado nang makarinig ng putok ng baril ang ilang kapitbahay ng mga biktima ngunit iniiimbestigahan pa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) kung sa pamamaril nga pinatay ang mga biktima.

Batay sa rekord ng barangay, noong isang taon pa nakatatanggap ng banta sa buhay ang padre de pamilya dahil sa awayan ng angkan bagama’t hindi pa makompirma ang ugat ng alitan.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …