ILOILO CITY – Arestado sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang punong barangay at kanyang misis sa bayan ng Banate, sa lalawigan ng Iloilo kamakalawa.
Si Punong Brgy. Roger Belarde ng Brgy. Dugwacan, Banate ay inaresto ng mga operatiba ng PDEA sa isinagawang pagsalakay sa hinihinalang minamantine niyang drug den sa kanilang lugar.
Kasamang naaresto ang kanyang misis at pamangkin.
Ayon kay PDEA Reg. 6 Dir. Paul Ledesma, ilang beses nang sinubukan na mabilhan ng illegal na droga ng kanilang poseur-buyer ang punong barangay ngunit hindi siya nagbebenta sa mga hindi niya kilala kaya nag-apply na lamang sila ng search warrant sa korte para mapasok ang ino-operate na drug den.
Labing-isang sachet ng shabu ang kanilang nakompiska ngunit inaasahan sana nila na malaking volume ang kanilang makukuha makaraan makalap ang impormasyon na kararating lang ng stocks ng illegal na droga ng punong barangay mula sa Metro Manila na idinaan sa Ro-Ro o roll-on-roll off.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
