Thursday , June 4 2026

Makabagong makapili

00 joy to the world ligaya

Teach me to do your will, for you are my God; may your good spirit lead me on level ground. — Psalm 143: 10

IBANG klase naman talaga itong si Manila 3rd District Councilor Joel Chua, para lamang makaligtas at hindi mapagbuntunan ng sisi ay kung sino-sino na lamang personalidad ang itinuturo, kaugnay sa kontrobersyal na konstruksyon ng 49-storey condominium na Torre de Manila sa Taft Avenue, Maynila.

Si Coun. Chua ang Chairman ng Oversight Committee ng City Council na nagsiyasat sa mga paglabag ng DMCI Homes sa pagtatayo ng condominium na makasisira sa panoramic sightline ng Rizal Monument sa Luneta Park. Si Coun. Chua rin ang tumayong acting presiding officer ng City Council nang aprubahan naman ang re-solusyon nagbibigay muli ng permiso sa Torre de Manila

Laban-bawi!

***

ITINUTURO ni Coun. Chua si Mayor Alfredo Lim na umano’y dapat sisihin kung bakit nabigyan ng permiso ang DMCI Homes.

Dios mio naman konsehal, matagal nang wala sa city hall si Mayor Lim, pero siya pa rin ang sinisisi ninyo! Bagama’t sa panahon ni Mayor Lim nasimulan ang estruktura (pundasyon pa lamang ang naitatayo noong May 2012) nasa kamay naman ninyo ngayon ang lahat ng kapangyarihan upang pigilan ito.

O, magkano, este, bakeet?!

***

HALATA kasi na walang mailulusot na dahilan ang konseho para makumbinsi si Senadora Pia Cayetano, chairman ng Senate Committee on Education, Culture and Arts na legal at moral ang ginawang nilang “laban-bawi desisyon” sa Torre de Manila makaraang simulan nang bulatlatin ng senado ang nasa likod ng mga resolusyon inaaprubahan ng konseho kagaya sa kaso ng Torre de Manila.

Simple lamang mga kabarangay, tutol sila noong panahon ni Mayor Lim, subalit, makalipas ang ilang buwan ay pumapabor na ang kanilang desisyon sa DMCI Homes.

Well your guess is as good as mine!

PANSAMANTALANG PINIGILAN UPANG KIKILAN?!

ITO ang naging pananaw ngayon ng marami sa laban-bawi posisyon ng 9th Manila City Council, makaraang pahintulutan at ituloy sa pamamagitan ng Resolution No. 5 ang under-construction na Torre de Manila.

Highly-suspicious talaga ang ginawang ito ng konseho na matapos pigilan at suspendihin ang konstruksyon ngTorre de Manila, noong Nobyembre 26, 2013 sa bisa ngResolution No. 146, heto ngayon kumambyo agad sila.

***

MULA sa pagiging “meritorious” ang reklamo laban sa DMCI Homes, naging “no cogent reason” ang kanilang alibi kaya wala na umanong dahilan upang pigilan ng Konseho ang konstruk-syon ng kontrobersyal na Torre de Manila.

Para sa kaalaman ng ating mga kabarangay, ito ang bahagi ng Resolution No, 146

Whereas, on November 26, 2013, the City Council of Manila passed Resolution No. 146 entitled : Resolution enjoining the City Building Official to temporarily suspend the building permit of the highly controversial Torre de Manila condominium project in the light of the recent public outcry of nearly 8,000 concerned citizens, in order to give due course to their MERI-TORIOUS submitted petition.

***

ITO naman ang Resolution No. 5 na inaprubahan mismo ni Coun. Chua, bilang acting presiding officer ng City Council noong Enero 16, 2014

Whereas, the members of the City Council of Manila find NO COGENT REASON to deny and/or reverse the aforesaid recommendation of the Manila Zoning Board of Adjustment and Appeals (MZBAA) and hereby ratify and confirm all previously issued permits, licenses and approvals issued by the City of Manila for Torre de Manila.

Tsk..tsk…nakakatawa hindi ba mga kabarangay?!

‘KOTONGERO KONSEHAL’

ALAM n’yo ba mga kabarangay, na may dorobo konsehal ng Maynila na nangingingikil sa isang mayamang negosyante na may-ari ng isang mataas na gusali sa Binondo.

Ito ang istorya, nais magtayo ng isang call center business sa itaas ng naturang gusali. Pero kailangan humingi ng permiso umano sa City Council at isa ang naturang konsehal sa humarang sa pagtatayo ng negosyo.

***

TINANONG ng negosyante ang naturang konsehal kung bakit? Direktang sinagot na kailangan ng P1M, bago pahintulutan makapag-operate ang isang call center business sa kanyang gusali.

Ayun, nataranta ang negosyante, bakit ka-ilangan ng P1M, gayong legal naman ang itata-yong negosyo sa kanyang building? Matagal na itong nangyari, pero hindi pa rin maka-move on ang naturang negosyante sa magaspang na asal ng konsehal. Clue: na re-elect pa uli ang dorobong konsehal na ito!

O, ang hindi makahula, walang pasalubong sa akin!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

ni Chairwoman Ligaya V. Santos

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …