ni Vir Gonzales
BIRTHDAY ng mama ni Karla Estrada noong August 29, kaya nagpunta sila ng Tacloban City at namigay ng regalo at mga pagkain. Mahal na mahal ni Karla ang mga kababayan niya sa Tacloban.
Nag-concert nga ang anak niyang si Daniel Padilla roon for free para lang mapasaya ang mga kababayan.
Sana, tularan ng mga kapwa artista si Karla na marunong tumanaw ng utang na loob. Unlike roon sa ibang artista, nagkapangalan lang, hindi na matandaan kung saan ang pinagmulan. Dapat sigurong buhusan ng ice bucket ang ganitong tipo ng artista nang matauhan.