KONTROBERSIYAL ang Balesin Island Club dahil naetsapuwera umano ang kasal nina Cesca Litton at ang fiancée nito na non-shobiz dahil naka-reserve na raw ito kinaSen. Francis “Chiz” Escudero at Heart Evangelista.
Bagamat nauna raw sina Litton ay tinawagan sila ng Balesin na ‘di na maa-accommodate ang kasal nila sa nasabing date.
Sa statement naman ng Balesin’s official website, sinabi ni Alphaland chairman Roberto Ongpin na wala pang confirm sa date na ‘yun nang i-check niya.
“So, nobody has been ‘bumped off,” aniya.
Sinabi naman ni Heart kay Toni Gonzaga na kinausap niya si Cesca tungkol sa issue pero ayaw idetalye ni Toni kung ano ang napag-usapan ng dalawa.
Basta ang nililinaw ni Heart wala pang final date ang kasal nila at kung saang lugar.
“We’re not like that. This is the best day of our lives. I’m a bride-to-be, she’s a bride-to-be. Who would do that to any bride-to-be? There’s no truth to it and I hope ma-iron out nila,” deklara pa ni Heart sa isang panayam.
Klaro!