ANG tindi ng labanan at kinakabahan ang mga interpreter ng Himig Handog Pinoy Pop (P-Pop) Love Songs 2014.
Si Jed Madela ipinangako niya sa sarili noon na hindi na siya sasali sa contest after na mag-champion sa WCOPA. Pero noong ibigay sa kanya ang kantang If You Don’t Want to Fall ni Jude Gitamondoc ay naka-relate siya at bumabase sa sarili niya kaya nag-go siya sa Himig Handog.
Ganoon din si Jessa Zaragoza na super nerbiyos dahil first time niyang sasampa sa entablado para sa ganitong contest. Kakantahin niya ang Bumabalik ang Nagdaan niSarah Jane Gandia.
Gaganapin sa Setyembre 28 (Linggo), 7:30 p.m. sa Araneta Coliseum ang pinakaaabangang finals night ng pinakamalaking multimedia songwriting competition sa Pilipinas. Mas pakikislapin ang gabi ng Kapamilya stars na magiging mga host ng programa na sina Kim Chiu, Xian Lim, Robi Domingo, at Alex Gonzaga.
Produkto rin ng iba’t ibang singing competition ang ibang interpreter kaya matindi ang labanan gaya nina Angeline Quinto para sa Hanggang Kailan ni Jose Joel Mendoza,Morissette na kakantahin ang Akin Ka Na Lang na komposisyon ni Francis Louis Salazar, Jovit Baldivino para sa Dito ni Raizo Brent Chabeldin at Biv De Vera, KZ Tandingan para sa Mahal Ko o Mahal Ako ni Edwin Marollano, Michael Pangilinanpara sa Pare Mahal Mo Raw Ako ni Jovinor Tan, at Bugoy Drilon para sa Umiiyak ang Puso ni Rolando Azor.
Nandiyan din si Ebe Dancel kasama si Abra para sa Halik sa Hangin ni David Dimaguila, Juris para sa Hindi Wala ni Nica del Rosario, Janella Salvador para saMahal Kita Pero ni Melchora Mabilog, Marion Aunor tampok sina Rizza at Seed para sa Pumapag-ibig ni Jungee Marcelo, Daniel Padilla para sa Simpleng Tulad Mo niMeljohn Magno at Jugs and Teddy para sa Walang Basagan ng Trip ni Eric De Leon. Ang songwriter-finalist na si Hazel Faith dela Cruz ang aawit ng kanyang komposisyon na Everything Takes Time.