Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

King of Talk, balik taping na sa “The Bottomline” (Boy Abunda mas hahaba pa ang buhay dahil pinatay sa Internet)

ni Peter Ledesma

MGA buang (baliw) talaga ang ilang netizens na nagpakalat ng chikang kasabay ng pagkamatay ni Mark Gil ay namayapa na rin daw si Kuya Boy Abunda dahil sa sakit na colon cancer.

Habang pinasabog nila ang kuwentong ito, ayon pa sa ating impormante, ay masayang nanonood ng TV ang King of Talk sa kanyang resthouse sa Tagaytay at kumakain ng healthy foods pagkatapos niyang maka-recover sa pagkaka-ospital at ope-rasyon ay unti-unti na rin bumabalik sa normal ang katawan.

Yes ‘yung nawalang 20 pounds sa sikat na TV host, ay konti na lang at balik na siya sa da-ting timbang. At dahil pinatay si Kuya Boy sa internet for sure mas lalo pang hahaba ang kanyang buhay. Marami ka-yang mga anghel sa buhay ang King of Talk, na nagdarasal para sa kanya. Sila ‘yung matagal nang pinag-aaral at ‘yung iba naman ay tinutulungan sa finances.

Samantala ngayong darating na Sabado ay luluwas ng Maynila si Kuya Boy para mag-taping ng kanyang The Bottomline show. So balik-tele-bisyon na siya. Wala pang binabanggit kung mapapanood na rin ang globally famous na TV personality sa dalawa pang programa sa Kapamilya network na Aquino and Abunda Tonight with his Bff Kris Aquino at The Buzz with Kris again and Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga.

We are very-very happy for this good news gyud!

PILOT EPISODE NG “WANSAPANATAYM” NINA NASH, ALEXA, AT GIMME 5, PATOK SA VIEWERS AT NETIZENS

Pinakatinututukang weekend TV program sa buong bansa ang kasisimula pa lamang na “Wansapanataym” special na pinagbibidahan ng Kapamilya teen stars na sina Nash Aguas, Alexa Ilacad, at ang sumisikat na boy group ng “ASAP 19” na Gimme 5.

Patunay dito ang datos mula Kantar Media, na nanguna sa listahan ng weekend TV programs ang unang dalawang episode ng “Wansapanataym Presents Perfecto” taglay ang national TV rating na 26.4% noong Sabado (Agosto 30) at 27.6% noong Linggo (Agosto 31). Ito ay 10 puntos na kalamangan kompara sa mga katapat nitong programa sa GMA na “Marian” (15.9%) at “Ismol Family” (18%).

Bukod sa TV ratings, wagi rin ang “Wansapanataym” special nina Nash, Alexa at Gimme 5 sa social networking sites tulad ng Twitter, na naging worldwide trending topic ang “Wansa Perfecto” noong Sabado at “Alexa Ilacad Wansa Perfecto” naman noong Linggo.

Samantala, sa pagpapatuloy ng “Wansapanataym Presents Perfecto” ngayong weekend (Setyembre 6 at 7), unti-unti nang magbabago ang buhay ni Perry (Nash) dahil matutupad na ang kanyang mga kahilingan sa tulong ng isang mahiwagang nilalang.

Magiging perpekto na ba ang buhay ni Perry sa oras na makuha niya ang lahat ng kanyang ninanais? Bahagi rin ng pinakabagong “Wansapanataym” special sina Matet de Leon, Vandolph Quizon, Candy Pangilinan, at ang mga miyembro ng Gimme 5 na sina John Bermundo, Joaquin Reyes, Brace Arquiza, at Grae Fernandez. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at direksyon ni Onat Diaz.

Sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang original storybook ng batang Pinoy na “Wansapanataym” ang longest-running at most-awarded fantasy-drama antho-logy ng ABS-CBN.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng “Wansapanataym Presents Perfecto” ngayong Sabado, 7:15 ng gabi pagkatapos ng “Home Sweetie Home,” at Linggo, alas-7 ng gabi, pagkatapos ng “Goin’ Bulilit” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

WEEKY FINALS NG FHHM SA EAT BULAGA TUWING BIYERNES NA

Tuwing Biyernes na ang weekly finals para sa hit na hit na Beauty Pageant na FHHM “For Healthy & Heavy Models” Only ng EAT BULAGA, para sa lahat ng magaganda at matatabang girls mula Luzon, Visayas at Mindanao. Sa ganda, ta-lent at katalinuhan ng mga chubby pero seksing finalist lahat ay nakatutok na every Friday sa said segment.

Majority raw ng viewers ay male fans. Ibig sabihin ay pinapantasya na rin ang mga kababaihang nagdo-join sa contest.

Siyempre aliw na aliw rin sa kanila ang lahat ng Dabarkads viewers. Kaya bukas watch n’yo ang Grand Finals ng FHHM sa Bulaga sa Broadway Studio. Sino kaya sa mga finalist ang makapag-uuwi ng tumataginting na 50 K.

Abangan pala ang ipa-publish na Magazine ng EB para sa mga bumidang FHHM sa show.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …