Thursday , June 4 2026

Motorbike umilag sa aso sa poste sumalpok (1 tepok, 1 sugatan)

TEPOK ang isang factory worker at sugatan ang isa pa sa pagsalpok sa poste ng koryente ng sinasakyang motorsiklo nang iwasan ang asong gala sa Naic, Cavite kamakalawa.

Bagok ang ulo makaraan humampas sa semento kaya agad namatay ang biktimang si Doven Quimson, 28, ng Brgy. Palangue 3, Naic, Cavite, habang isinugod sa San Lorenzo Hospital ang sugatang angkas na si Arjay Vasquez, 24, kapwa factory worker, ng nabanggit ding lugar.

Sa salaysay ni Vasquez sa pulisya, dakong 3 a.m., minamaneho ni Quimson ang motorsiklo habang siya ay angkas ngunit pagsapit sa Naic-Indang Road, Brgy. Halang ay biglang tumawid ang isang aso.

Nagulat si Quimson kaya kinabig ang motorsiklo ngunit nawalan nang kontrol at sumalpok sa poste.

Sa lakas ng bangga, tumilapon ang mga biktima.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …