Thursday , June 4 2026

Nursing aid sumemplang sa bisekleta, patay

PATAY ang isang empleyado ng Chinese General Hospital nang sumemplang at tumama ang ulo sa semento nang mawalan ng kontrol ang sinasakyang bisekleta sa Port Area, Maynila kamakalawa.

Hindi na umabot nang buhay sa Seaman Hospital ang biktimang si Ramil Mariano, 48, nursing aid sa Chinese General Hospital, residente ng No. 2622 C. Felix Huertas, Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Jonathan Bautista, naganap ang insidente dakong 9:50 a.m. sa harapan ng Petron Gasoline Station sa Anda Circle Port Area, Maynila.

Nanggaling sa Mall of Asia (MOA) ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan.

Pagdating sa Port Area, biglang nag-overtake si Mariano ngunit sumemplang ang kanyang bisekleta na nagresulta sa pagkabagok ng kanyang ulo sa kalsada.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …