Matagal na kasing nasulat na ang dalawang teenstars ng ABS-CBN ang gaganap sa remake ng pelikula nina Maricel Soriano at William Martinez kasama si Richard Gomez na ipinalabas noong 1985 mula sa direksiyon ni Luciano B. Carlos for Regal Films.
Naunahan pa raw sina Nash at Alexa ng ibang loveteam na i-remake ang mga dating programa.
Siguro ay nakarating sa management ng Dos ang hinaing ng fans kaya muling ibinalik sina Nash at Alexa sa Wansapanataym na mapapanood na sa Sabado at Linggo (Agosto 30 at 31) para sa bagong month-long special na pinamagatang Perfecto.
Makakasama nina Nash at Alexa ang sumisikat na boy group ng ASAP 19 na Gimme 5.
Ang kuwento ng Perfecto ay gagampanan ni Nash ang karakter ni Perry, isang binatilyong walang ibang hangarin kundi ang maging perpekto para sa kanyang ina at sa kanyang hinahangaan na si Kylie (Alexa). Dahil sa kanyang mga kahinaan, determinado si Perry na gawin ang lahat ng paraan para maabot ang kanyang pangarap.
Ano ang kayang isakripisyo ni Perry kapalit ng hinahangad niyang perpektong buhay? Ano ang mga pagdadaanan niya upang matutunan na mas mahalaga ang kagandahan ng kanyang kalooban kaysa sa lahat ng karangyaan?
Bahagi rin ng Perfecto sina Matet de Leon, Vandolph Quizon, Candy Pangilinan, at ang mga miyembro ng Gimme 5 na sina John Bermundo, Joaquin Reyes, Brace Arquiza, at Grae Fernandez mula sa panulat ni Joel Mercado at direksiyon ni Onat Diaz handog naman ng Dreamscape Entertainment Television, ang original storybook ng batang Pinoy na Wansapanataym na longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN.
ni Reggee Bonoan