Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kristoffer, walang project dahil ayaw mag-workshop?

081314 kristoffer martin
ni Roldan Castro

GULAT at napangiti lang si Kristoffer Martin nang sabihin naming  natsitsismis siyang babalik saABS-CBN 2 nang dumalo siya sa aming birthday party noong Sunday sa R Bistro, Timog.

Sey naman ng kanyang manager na si John Fontanilla, mag-aaral daw si Kristoffer.

How true na sumama ang loob ni Kristoffer nang sabihan siya na hindi siya nagwo-workshop kaya walang naka-line up na serye para sa kanya? Ang priority umano na bigyan ng project ay ang mga nagwo-workshop?

Teka naman, isa nga lang si Kristoffer sa mga Kapuso young actor na marunong umarte. Napanood nga namin at nasubaybayan ang serye  niyang Kahit Nasaan Ka Man at humihingi ng nominasyon ang performance niya roon sa husay niyang umarte.

Anyway, dala-dala ang kanyang angking talino at natural charm bilang isang successful teen actor, magiliw na ginugol ng GMA Artist Center talent na si Kristoffer ang kanyang oras para sa kanyang first inspirational talk para sa mga youth leader ng probinsiya ng Cavite.

Sa temang Organizing New Young Leaders of Tomorrow, maligayang nakilahok si Kristoffer sa 3rd General Trias Youth Leaders Summit na ginanap sa auditorium ng Lyceum of the Philippines sa General Trias sa Cavite noong Agosto 16.

At dahil first time ngang maka-attend ni Kristoffer sa isang leadership seminar, ibinahagi niya sa kanyang Instagram account kung gaano siya kasaya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga youth leader sa nasabing event.

“Done with the seminar! Sobrang saya! Almost 700 students attended the seminar. Sobrang appreciative niyong lahat. Sobrang ramdam ko na nakikinig kayo sa akin at ang sarap niyo kausap. Attentive at game lahat. First time to talk in public about a matter that really matters. Ang saya!! Thank you guys! Hope you learned a lot from me.”

Ang General Trias Youth Leaders Summit ay naglalayon na maipakita sa mga kabataan ngayon na may kakayahan sila upang makilahok sa pagbabago. Ginagawa ito sa pamamagitan ng leadership seminars at fellowship para sa mga kabataan ng munisipalidad ng Amadeo, General Trias, Tanza at sa lungsod ng Trece Martires sa Cavite.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …