Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PAO Chief Acosta, tagapagtanggol ng mahihirap

081814 persida acosta

ni John Fontanilla

ISA sa kasong tinututukan ni PAO Chief Persida Acosta ang  kaso ng Sulpicio Lines, ang may-ari ng MB Princess of The Stars na lumubog ilang taon na ang nakalipas.

Pero hanggang ngayon ay wala pa ring hustisyang nakukuha ang mga biktima.

Hindi raw titigil ang mahusay na PAO Chief hangga‘t hindi  nakakamit ang hustisya ng mga biktima ng lumubog na barko. At kahit ilang taon na raw ang itinatagal ng kaso nito ay hindi bibitiw ang mabait at matulunging abogado.

At hangang dulo ay kasama siya ng mga kamag-anak na naulila ng mga biktima ng paglubog ng barko na marami ang nasawi.

Kaya naman nakatutok si Atty. Acosta sa  kaso ng Sulpicio Lines pero hanggang ngayon ay wala pa ring hustisyang nakukuha ang mga biktima.

Kaya naman daw nag-file ng Motion for Reconsideration ang PAO Chief para i-review ng Supreme Court ang Civil Case na ipinataw sa may-ari ng Sulpicio na si Mr. Edgar  S. Go. Dapat  kasi ay Criminal Case ang ipataw dahil sa rami ng namatay sa naturang paglubog.

Dagdag pa ni Atty. Persida, hindi naman daan-daang piso lang ang kabayaran ng mga buhay na nawala. Kung sa pamilya kaya raw nila nangyari ito, sa tingin kaya nila ganoon lang ang kabayaran ng buhay ng mga mahal nila sa buhay?

Hustisya ang gusto ng mga kaanak ng mga yumao at hindi salapi na kapalit ng buhay ng kanilang mga mahal sa buhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …