ARESTADO ang isang pulis na hinihinalang big time drug dealer, at dalawa niyang kasama sa drug bust operation ng mga awtoridad sa Sta. Rosa, Nueva Ecija kamakalawa.
Ayon sa ulat mula sa Kampo Olivas, kinilala ang pulis na si PO1 Danilo Ingalla, Jr. alyas June, ng nasabing lugar, isang pulis-Caloocan, sinasabing leader/financier ng J&B drug trafficking group, nakompiskahan ng armalite, shotgun, magazine, bulto ng mga bala at apat pakete ng shabu.
Kasalukuyang inihanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa R.A. 9165 o Dangerous Drug Act of 2002, at illegal possession of firearms and ammunitions laban sa mga suspek.
(RAUL SUSCANO)