Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arise 3.0 sa MOA, tinao pa rin kahit napakalakas na ng ulan

080614 gary v
ni Rommel Placente

SA kabila ng malakas na ulan noong Sabado ng gabi ay naging matagumpay pa rin ang concert ni Gary Valenciano billed as na ginanap sa SM MOA Arena. Witness kami na puno ang venue. Isa kasi kami sa mga nanood ng nasabing concert ng tinaguriang Mr. Pure Energy.

Hindi nga makapaniwala si Gary sa success ng kanyang Arise Concert.

Ayon sa kanya, two weeks ago ay sinabihan daw kasi siya na 18% pa lang daw ang nabibili sa tickets. Kaya talagang nagulat daw siya na naging matagpumpay naman pala ito, na marami ang nanood.

Sa tingin ni Gary, malaking factor o tulong daw na ang mga guest niya ay nag-promote sa kani-kanilang Twitter at Facebook account. At ang mga Pinoy naman daw kasi ay bumibili ng tickets sa araw mismo ng concert.

Anyway, nag-enjoy kami sa concert ni Gary V.  Kahit sa darating na birthday niya sa August 6 ay 50 years old na siya, ay hataw pa rin siya sa pagsasayaw sa stage. Hindi pa rin talaga kumukupas ang isang Gary V sa kabila ng kanyang edad.

Allen, nagkaka-pelikula lang ‘pag siya ang producer!

NABASA namin ‘yung interview ni Allen Dizon sa Philippine Entertainment Portal na sinabi niya na mas gusto raw niyang gumagawa ng indie film kaysa mainstream.

Siyempre ‘yun ang sasabihin niya dahil wala namang kumukuha sa kanya sa mainstream, ‘no? Puro sa indie film lang naman siya kinukuha. At kaya lang din naman siya nagkakaroon ng indie film ay dahil ang manager niyang si Dennis Evangelista mismo ang producer. At kapag nagla-line produce ito ng isang indie film ay isinasama niya si Allen.

Kung hindi pa sa kanyang manager ay hindi rin mapapanood sa indie film si Allen.

Matagal na rin naman sa showbiz si Allen pero sa totoo lang marami pa rin ang hindi siya kilala. Hindi talaga nagmarka ang pangalan niya sa showbiz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …