Sexy Leslie,
Nagkahiwalay kami ng BF ko, pero wala po naman nangyari sa amin, gentleman po kasi siya, pero bakit ganun, hindi ko pa rin siya makalimutan, palagi po siyang nasa puso at isip ko. 0915-9276902
Sa iyo 0915-9276902,
Minsan, kailangan nating masaktan para matuto at tumatag. Sa iyong sitwasyon, masuwerte ka at nakaranas kang magmahal at mahalin. Ituring mo na lang na magandang alaala ang pagdating ng iyong karelasyon sa iyong buhay. Sunod, move on at hintaying dumating ang lalaking laan na talaga para sa iyo. Stay happy.
Sexy Leslie,
Gusto ko sanang humingi ng picture mo o kaya ay personal address mo, tagahanga n’yo po ako sa West Beverly Hills Subd. Langkaan 1 Dasmarinas, Cavite sana ay matugunan ninyo ang aking munting kahilingan. 0919-2977011
Sa iyo 0919-2977011,
Let’s see. Para sure, better if magpadala ka ng extra envelope kung saan nakasulat na ang iyong address at name, kasama ang dalawang selyo.
Maraming salamat!