Sexy Leslie,
Ask ko lang, four years na kami ng live-in partner ko, maganda naman ang sex life namin noong una pero ngayon ay hindi na, ano po kaya ang nangyari?
Anonymous
Sa iyo Anonymous,
Hindi kaya may problema kayo? Bakit hindi kayo mag-usap and fix it? Minsan, akala natin okay ang nagsasama lalo kung hindi naman nag-aaway, pero sa tahimik na iyon pala ay maraming pagkukulang na nai-ignore lang. Better if magkaroon kayo ng heart-to-heart talk, ang emotional problem ay madalas na nakaaapekto sa sexual life ng mag-partner so.
Sexy Leslie,
Bakit kaya nahulog ang loob ko sa inyo gayong hindi pa tayo nagkikita? 0910-8622045
Sa iyo 0910-8622045,
Patay tayo riyan… Ibaling mo na lang sa iba. Salamat!