Sexy Leslie,
Ano ang dapat kong gawin, 6 week nang hindi dinadatnan ang GF ko mula nang magtalik kami. 0919-3018677
Sa iyo 0919-3018677,
Dahil hindi naman ako pabor sa abortion, I suggest na ihanda mo na ang iyong sarili. Isipin mo ngayon pa lanag kung kaya mo bang maging man enough para panindigan ang ginawa ninyo ng iyong nobya. Kung wala kang backbone, tell your GF na mag-isa niyang iluawal ang bata dahil naduduwag ka.
Sexy Leslie,
Bakit po kaya ang bilis kong labasan? 0919-3457454
Sa iyo 0919-3457454,
Tulad ng madalas kong sabihin, may mga tao talagang mabilis labasan, nagiging problema lang ‘yan kung ang partner mo ay kabaligtaran mo, in short, matagal mag-orgasmo. Kaya kung gusto mong maging masaya rin siya, mainam kung unahin siyang patapusin at saka ka na humabol tutal ay madali lang naman ito sa iyo.
Sexy Leslie,
Bakit po kaya kapag niyaya ako ng nobyo ko na na mag-sex ay okay naman sa akin, pero kapag nandun na ako ay hindi ko na kaya? 0917-4138654
Sa iyo 0917-4138654,
Obvious na hindi ka pa talaga handa. Mainam kung isipin muna ang sagot bago ka um-oo sa nobyo mo. Mahirap para sa kanya ang lagi na lang bitin gayong hindi ka naman niya yata pinipilit na pumayag.