Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-BF dumungaw sa bintana

Dear Señor H,

Pwd po b mgtnung 2ngkol s pnginip? lgi po akong ngsusubaybay ng kolum mung panaginip mo, interpret ko s dyaryong HATAW. bka po kc hndi ko msubaybayan kc mnsan po nkakalimutan bmili ng asawa ko. hndi po b pwdng dto kau mgrply? Npapaginipan ko p po kc ang ex-bf ko. pgdaan ko raw s bhay ng brkada nya andun xa at dmungaw rw s bntana nung nsa tpat n ako ng bhay ng brkda nya. anu po ibg sbhn nyun? Wait ko rply m tngk0l s intrprtati0n ng dream k0 jst dnt publish my n0. 2m po b ang sag0t nyan sir ? Gemini girl

To Gemini Girl,

Ang bungang-tulog mo ay nagsasabi na ang taong napanaginipan ay maaaring kailanganing makipag-reconnect ka. O kaya naman, nagpapahayag ito na kailangan mong tanggalin ang mga bagay o taong pabigat sa iyo. Alternatively, posible rin naman na nagpapahiwatig ang bungang-tulog mo na kailangan mong harapin at paghandaan ang mga darating na pagbabago sa iyong buhay. O kaya naman, maaari rin namang may pagtingin ka pa rin sa dati mong BF kaya ganito ang tema ng iyong panaginip. Ngunit, posible rin na may nag-trigger lang upang mapanaginipan mo ang iyong ex, tulad ng mga lumang larawan niya, dating regalo niya sa iyo, ang makita mo ang mga dati ninyong kakilala at kaibigan, makapunta sa mga dati ninyong pinupuntahang lugar at mga katulad nito. Kung ganito nga ang sitwasyon, ito ang dahilan kaya mo siya napanaginipan at wala itong masyadong significance talaga o ipinahihiwatig na kung anuman para sa iyo at sa dati ninyong relasyon. Alternatively, dahil may karelasyon ka naman, posibleng paalala rin ito sa iyo na dapat ingatan ang iyong lovelife upang ito ay huwag matulad sa nangyari sa inyo ng ex mo na iyong napanaginipan at upang hindi ka na masaktan ulit na tulad ng dati.

Ang bintana naman sa panaginip ay may kaugnayan sa bright hopes, vast possibilities and insight. Maaaring may kaugnayan din ito sa outlook sa buhay, pati na ang ukol sa intuition and awareness. Posibleng hinggil din ang ganitong bungang-tulog sa hinahanap na mahalagang desisyon o soul searching.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …