ni VIR GONZALES
MUKHANG may bagong bukambibig naman ngayon sa ABS CBN, si Daniel Padilla na rati ay si Coco Martin. Dati nga sina Piolo Pascual at John Loyd Cruz at biglang pumasok si Coco.
Humanga kami kay Daniel, ang binatang anak lamang yata ni Karla Estrada. Ang actor ang nagpa-concert ng free sa Tacloban City. Nakita daw ng mag-ina, kung gaano kalawak ang dinurog ng bagyong Yolanda at sobrang awa nila sa mga kababayan, nag-show para sa mga biktima.
Ang nakaka-turn off lang sa show ni Daniel, napolitika pa. Tinatanggal ‘yung ibang poster n’ya roon na naka-display gayung for free na nga dulot niya.
Well, hindi talaga nawawalan ng kontrabida sa bawat istorya. Tagumpay ang show doon ni Daniel, kaya’t natameme ang mga kumokontra.