ni Roldan Castro
VERY vocal si Boy Abunda sa kanyang programa na Aquino and Abunda Tonight na nirerespeto niya ang desisyon ng Pangulong PNoy pero hindi siya sumasangayon sa desisyon nito na hindi ipagkaloob sa nag-iisang superstar ang pagiging National Artist.
“Naniniwala po ako na si Nora Aunor ay deserving to be a National Artist and ‘yung dahilan po na naibigay ng ating Presidente na had something to do with drugs, ayon kay (Claire) Espina ang abogado ni Ate Guy sa Amerika, hindi na-convict si Ate Guy,” deklara niya.
“I feel that Nora Aunor should be a National Artist based on her body of work, ‘yun lamang po,” sambit pa niya.
Oo nga naman!