Thursday , June 4 2026

Kelot niratrat sa burol ng kaibigan

PINAGBABARIL hanggang mapatay ng apat armadong kalalakihan ang isang lalaki habang nasa burol ng kanyang kaibi-gan sa Brgy. Poblacion, Norzagaray, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Hipolito Payumo, 45-anyos, residente ng Brgy, Pinagtulayan, sa nabanggit na bayan.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Senior Supt. Ferdinand Divina, Bulacan Police director, nakipaglamay ang biktima sa burol ng kanyang kaibigang si Hilton Pascual sa Tabtab Street, sinasabing binaril at napatay noong Hunyo 9.

Habang nakikipag-usap si Payumo sa ilang residente ay biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril at pagkaraan ay bumulagta ang biktima.

Sinisilip ng mga awtoridad ang anggulong onsehan sa bawal na droga ang posibleng motibo sa insidente dahil ang kaibigan ng biktima na si Pascual ay itinumba rin dahil sa ipinagbabawal na gamot.

(MICKA BAUTISTA/DAISY MEDINA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …