ni Maricris Valdez Nicasio
DESISYON pala ni Bimby na muling gumawa ng pelikula. Ito ang ipinaliwanag ni Kris Aquino sa kanyang Kris TV ukol sa muling paggawa ng kanyang anak ng pelikula. This time, si Vice Ganda naman ang makakasama niya via The Unkabogable Praybeyt Benjamin, (the sequel).
Ani Kris, gustong gumawa ng isang action scenes ni Bimby kaya tamang-tama angPraybeyt Benjamin. Bale gagampanan ni Bimby ang isang batang may super powers.
“Parang kailangan siyang i-protect ni Vice. Parang shini-shield siya kasi marami ang gustong pumatay sa kanya dahil mayroon siyang super powers,” sambit ni Kris sa kanyang show kamakailan.
Bale next month na uumpisahan ang shooting ng pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival at ididirehe ni Wenn Deramas.
“Parang gusto nila na maka-two o three weeks bago siya bumalik ng school para hindi stressful,” giit pa ni Kris.