Wednesday , May 29 2024

Sana Bukas Pa Ang Kahapon, mala-pelikulang serye (Drama series ni Bea Alonzo sa ABS-CBN, mapapanood na ngayong Lunes)

ni Maricris Valdez Nicasio

MAG-UUMPISA na ngayong gabi ang isang obrang pampelikula alay sa mga manonood ng “Movie Queen” ng bagong henerasyon na siBea Alonzo sa pamamagitan ng pinakabagong primetime drama series ng ABS-CBN, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

“Promise namin sa TV viewers na bibigyan namin sila ng isang de-kalidad na movie experience na kakapitan nila gabi-gabi,” ani Bea sa panayam niya kamakailan sa MOR 101.9 For Life!

Dagdag pa ng Kapamilya actress na huling napanood sa telebisyon noong 2012 sa seryeng A Beautiful Affair, sabik na sabik na siyang makabalik muli sa paggawa ng teleserye sa primetime.

Aniya, “Ang tagal ko na ring hindi gumawa ng ganitong klaseng palabas. Pakiramdam ko parang gumagawa ako ng isang epic love soap opera.

Sa kuwento ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, bibigyang-buhay ni Bea ang mga karakter ng dalawang magkaibang babae na pag-iisahin ng kanilang laban para sa katarungan—si Emmanuelle para sa pagkamatay ng kanyang mga magulangbat si Rose para naman sa  isang krimen na hindi niya ginawa.

Idinidirehe ito nina Jerome Pobocan at Trina Dayrit, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay binubuo ng award-winning actors na sina Paulo Avelino, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Maricar Reyes, at Albert Martinez; at ng mga beteranong artista na sina Eddie Garcia, Anita Linda, at Susan Roces para sa kanilang natatanging pagganap.

Kasama rin sa teleserye ang mga Kapamilya child star na sina Miguel Vergara at Ben Isaac; at sina Malou Crisologo, Nikki Valdez, Francis Magundayao, at Michelle Vito. Tampok din sina Bembol Rocco, Chinggoy Alonzo, Christian Vasquez, at Lara Quigaman na mayroong espesyal na partisipasyon.

Kaya huwag palampasin ang pagsisimula ng magkaugnay na buhay nina Rose at Emmanuelle sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon ngayong Lunes ng gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Aica Veloso Kulong

Aica nais kumawala karanasan sa isang kapitbahay

RATED Rni Rommel Gonzales NAGBAHAGI ng kanyang mapait na karanasan ang Vivamax female star na si Aica Veloso nang …

Paolo Ballesteros Kira

Paolo hinangaan pag-e-escort sa prom ng anak

MATABILni John Fontanilla SINALUDUHAN at pinuri ng netizens ang Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros nang mag-escort ito …

Diwata

Diwata ayaw magseryoso sa lalaki — baka mawalan ako ng puhunan, maubos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAYONG-MALAYO na talaga ang naabot ni Diwata mula sa pagiging walang-wala ngayo’y …

Carlo J Caparas

Direk Carlo pumanaw sa edad 80

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang batikang Comics King, novelist, writer, at director na si Carlo …

tiktok

Mga artista naisasantabi dahil sa mga Tiktokerist 

I-FLEXni Jun Nardo PISTA ng Holy Trinity kahapon sa lugar namin sa Balic-Balic, Sampaloc. Kaya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *