Gud am po,
Nagdrim aku ng ahas, tapos ay kumuha dw aku ng slippers, d ku na po maalala nangyari sa drim ku, anu po b mining n2? wag nyo sana po lalagay cp ku, slamat!! C tonyo po ito
To Tonyo,
Ang ahas sa bungang-tulog ay may kaugnayan sa mga nakatagong takot at pag-aalala na nagkakaroon sa iyo ng malaking epekto. Maaa-ring ito ay babala na may padating na bagay na hindi mo pa alam dahil hindi pa ito lumulutang, subalit mayroon itong malaking koneksiyon sa iyo, kaya dapat kang mag-ingat sa sarili o sa pinansiyal na bagay. Alternatively, ang ahas ay maaari rin namang simbolo ng temptation, at ng dangerous at forbidden sexuality. Kung natakot ka sa napanaginipang ahas, ito ay maaaring nagsasaad ng pangamba mo ukol sa sex, intimacy o commitment. Maaari rin namang ang ahas sa iyong panaginip ay may kinalaman o may kaugnayan sa mga tao sa paligid mo na hindi mo pa lubos na kilala at hindi dapat pagkatiwalaan. Sa positibong persepsiyon, ang ahas ay nagre-represent ng healing, transformation, knowledge at wisdom. Ito rin ay nagsasaad ng self-renewal at positive changes.
Kapag nakakita naman ng tsinelas sa iyong panaginip, ito ay nagsasaad na ikaw ay nakadarama ng pagiging sluggish and/or insecure. Pakiramdam mo ay wala kang strong foothold sa ilang sitwasyon ng iyong buhay. Alternatively, ito ay nagre-represent din ng domesticity, ease, comfort, and/or relaxation. Maaaring nagpapahiwatig din ito na dapat kang mag-relax o kaya naman, ikaw ay nasosobrahan na sa pagre-relax sa puntong nagiging tamad ka na.
Señor H.