Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wansapanataym special nina Andrea at Raikko, may heavenly finale ending sa Linggo

ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI mapapantayang sarap ng pagmamahal ng pamilya ang ipararamdam ng Kapamilya child stars na sina Andrea Brillantes at Raikko Mateo ngayong Linggo (Hunyo 8) sa pagtatapos ng  Wansapanataym special nilang My Guardian Angel.

Sa pagdakip ng isang sindikato kay Ylia (Andrea), gagawin ng guardian angel na si Kiko (Raikko) ang lahat upang mailigtas siya. Paano mapoprotektahan ni Kiko si Ylia kung wala na ang kanyang super powers? Makababalik na ba si Kiko sa langit sa oras na isakripisyo niya ang sarili para kay Ylia? Sa huli, mararamdaman na ba ni Ylia ang matagal na niyang inaasam na pagmamahal ng kanyang mga magulang?

Tampok din sa My Guardian Angel sina Mylene Dizon, Ejay Falcon, Ketchup Eusebio, Ruby Rubi, Gerard Pizarras, Abby Bautista, Racquel Pareño, Lui Villaruz, Dale Badillo, Jovic Susim, at Vangie Martell. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at direksiyon ni Jon “Sponky” Villarin.

Huwag palampasin ang ‘heavenly ending’ ng Wansapanataym special nina Andrea at Raikko ngayong Linggo, 6:45 p.m., bago mag-The Voice Kids sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …