Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Makaya kayang maging totoong lalaki ni Arnel sa Rak of Aegis?

ni Danny Vibas

BAKLAIN kaya ni Arnel Ignacio ‘yung  role  n’ya bilang Fernan  sa  Rak  of Aegis musical ng PETA (Philippine Educational Theater A ssociation)  na magsisimula nang ipalabas sa June 20?

Ka-alternate nina Julienne Mendoza  at Nor Domingo  si Arnel  bilang Fernan,  ang developer  ng subdivision  na may  diperensiya  ang  drainage system kaya  noong  bumagyo ay  sa Barangay  Venezia lumagak ang  baha,  at napinsala ang kabuhayan ng mga taga-barangay  na mga manggagawa ng sapatos.

Si Julienne ang napanood namin na gumaganap na  Fernan sa orihinal na pagtatanghal—at hindi  bading  ang  interpretasyon n’ya sa nasabing role. Ini-imply  pa  nga  sa  mga  kilos n’ya  na  sexually  interested siya  sa  karakter na ginagampanan ni Isay  Alvarez  bilang barangay  chairman at mayari ng shoe factory sa barangay na ‘yon.

Kakayanin kaya ni Arnel na gu manap sa entablado na lalaking-lalaki?

Sa isang  stage  play  pa lang  namin  napanood  si Arnel, at ‘yon  ay  sa Sayaw ng mga Senyorita, na isang umaatikabong bading ang papel n’ya (at tungkol naman talaga sa mga kabadingan ang nasabing dula. Pero kung hindi n’ya kaya, payagan kaya siya ng direkt or ng Rak of  Aegis na si Maribel Legar- da na gampanan n’ya ang karakter ni Fernan bilang isang bading?

Actually, may isa talagang  bading na kar akter sa Rak—si Jewel  na  isa  sa  mga gaganap  sa  repeat  season  ng musical ay si Jimmy Marquez (na naging runner-up noon  sa isang  TV singing contest. Ayaw nga sigurong baklain nina Maribel at L iza Magtoto (writer ng Rak)  ang musical nila kaya isang bading na karakter lang ang isinama nila sa istorya ng pagbangon sa lusak  ng isang barangay na binaha.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …