Thursday , June 4 2026

Antipolo urban poor leader todas sa ambush

RIZAL – Patay ang isang urban poor leader makaraan tambangan habang sakay ng motorsiklo sa Antipolo City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Antipolo City Police chief, Supt. Arthur Masungsong ang biktimang si Francisco Abad alyas Ka Muchoy, 60, residente ng Sitio Mabolo, Brgy. Mambugan ng nasabing lungsod.

Habang kaswal na naglakad lamang ang suspek makaraan siguruhing patay na ang urban poor leader sa dalawang tama ng bala sa kanyang ulo.

Naganap ang insidente dakong 7 p.m. sa Atis road, Unit I, Pagrai Hills, Brgy. Mayamot, Antipolo City.

Ayon sa kasama ni Abad na si Roger Graniel, 46, ng Sitio Little Valley, Brgy. Mambugan, kagagaling lamang nila sa isang pulong ng PAGRAI Homeowners Associaition Inc., nang maganap ang pananambang.

Nabatid kay Graniel, angkas niya ang urban poor leader, nang makarinig siya ng dalawang putok ng baril at biglang nalaglag sa kanyang likuran ang biktima.

Nilapitan pa aniya ng suspek ang biktima saka nagsabing “Ito ba ang presidente ng Pagrai!?” bago tumakas.

Si Abad ay dati rin labor leader bago nagsilbi bilang urban poor leader at naglingkod din sa panahon ni Antipolo City Mayor Nilo Leyble bilang political leader.

(MIKKO BAYLON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …