HUWAG kaligtaang tutukan ang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m. sa GMA News TV.
Parada ng mga kagandahan ang magaganap kaya nga ang episode ay may titulong Flawless de Mayo. Bisita ni Mader Ricky ang nagwaging 2014 Miss Earth Phippines na si Jamie Herrel at iba pang finalist tulad nina Miss Earth Philippines Air Dianne Querrer, Miss Earth Philippines Water Kimberly Coveret, Miss Earth Philippines Fire Bianca Paz, at Miss Earth Philippines Eco-Tourism Monique Manuel.
Sa panayan sa kanila ng beauty guru ay malalaman natin kung ano-ano ang kanilang beauty secrets at paraan para mapanatili nila ang angking alindog para maging karapat-dapat sumali sa mga beauty pageant.
May iinterbyuhin din sa programa na mga uminom ng Acai Berry Food Supplement mula USA. Natuklasan ng mga gumamit nito na ang katas ng prutas na ginamit dito’y anti-oxidant at malaki ang naitutulong para malinis ang bituka.
‘Pag ganitong tag-init ay maraming sakit sa balat ang nakaiirita sa atin. May ibibigay na tips si Mader kung paano maiiwasan at malulunasan ang mga pesteng skin disorder tulad ng taghiyawat, bungang araw, acne, at pekas.
Para sa usapang pangkagandahan at kalusugan’y saan pa kayo? Siyempre sa GRR TNT na prodyus ng ScriptoVision.