Saturday , November 23 2024

Grade 7 kritikal sa boga ng 3 frat member

KRITIKAL ang kalagayan ng isang grade 7 student nang patraydor barilin ng isa sa miyembro ng kalabang fraternity, sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa  Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Jeffrey Lorejas, 17-anyos ng Gov. Pascual St., Brgy. San Jose, sanhi ng bala ng sumpak na tumama sa likod.

Pinaghahanap ang mga suspek na nakilala sa mga alyas na Jexter, Jon-Jon at Sorrow Reyes, mga miyembro ng kalabang frat ng biktima na pawang taga-kabilang barangay.

Sa ulat, dakong 7:00p.m. kamakalawa nang maganap ang insidente sa Gulayan St., ng nasabing barangay.

Naghihintay ng masasakyan ang biktima kasama ang kaibigan nang lapitan ng isa sa mga suspek  na agad bumunot ng baril at pinutukan si Lorejas.

Dahil sa takot, mabilis tumakbo ang biktima pero pinaputukan  pa rin siya dahilan upang bumagsak sa lupa saka tumakas ang mga suspek habang dinala ang biktima sa nasabing pagamutan.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *