Friday , November 22 2024

Bela, ‘di na boto kay Aljur para kay Kylie

ni Roldan Castro

KAMAG-ANAK ni Bela Padilla si Kylie Padilla kaya napag-usapan ang relasyon nito nang mabanggit niyang gaganap siyang girlfriend ni Aljur Abrenica sa pelikulang Cain at Abel na magkakaroon daw ng twist at mapupunta siya sa ending kay Alden Richards.

Alam na ba ni Kylie na magkakasama sila ni Aljur sa pelikula?

“Hindi pa, actually kakauwi niya pa lang. Siguro sasabihin ko rin sa kanya,” pahayag niya sa pocket interview ng GMA Artist sa kanya.

Inurirat din si Bela kung sina Kylie at Aljur pa?

“I don’t think so! I don’t know ha, I don’t think so. I mean kung ako ‘yun, no na ako,” nadulas na komento ni Bela.

Ano ba ang alam niya sa intrigang hiwalayan umano nina Kylie at Aljur?

“Wait lang inom lang ako ng tubig! Wait lang parang hindi na raw ako kasali sa Cain At Abel,” sabay tawa ni Bela.

Ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang kung siya iyon ay ayaw na niya?

“Hindi, parang gulo lang masyado, parang feeling ko ang dami nilang napagdaanan. Pero it’s up to her, Kylie’s very strong. So may sarili siyang ano, eh,” sambit na lang niya.

Aware ba siya sa pinagdaraanan ni Kylie ngayon?

“Eh, kung ano lang din ‘yung alam ninyo. Hindi naman masyadong makuwento ‘yun, ‘pag may problema siya sinasarili niya lang. So kung ano lang din ‘yung alam n’yo, nababasa n’yo, ‘yun lang din nababasa ko,” medyo paiwas na tugon ni Bela.

Buong ningning niyang sinabi na ang sympathy niya ay na kay Kylie. Blood is thicker than water, sey pa niya.

Kaibigan din daw niya si Aljur. Nagkasama raw sila sa Machete. Pero hindi raw kailangang magpaliwanag ito sa kanya.

“Hindi, ‘no?Hindi naman niya kailangang magpaliwanag sa akin or kahit sino, kay Kylie siya magpaliwanag. Wow! Sa presinto siya magpaliwanag. Uy joke lang, baka magalit si Aljur sa akin,” sey pa niya sabay tawa.

Malungkot ba ngayon si Kylie sa pinagdaraanan  niya?

“Siguro kahit sinong girl na, kahit hindi totoo, hindi confirmed, kahit wala ka pang nakikitang evidence or whatever, if you’re away, if you’re far away, tapos may naririnig ka, siguro malulungkot ako, kung ako ‘yun. Kasi wala ka rito para ayusin, eh.”

Kahit walang ebidensiya?

“Oo ‘di ba, kung may nababalitaan ka? Well hindi ko alam kung may evidence. Pero hindi, malulungkot ka, ‘di ba?Hindi malulungkot lang siguro ako kung may naririnig-rinig ako kasi wala ako, eh. Pero siguro…Hindi ko alam kung nag-usap na sila eh, kung okay na. Iyon, hindi ko alam, tingnan natin,” sambit pa ni Bela.

Bukod sa Cain at Abel, mapapanood din siya sa pelikulang Barbara, a re-imagination of the Celso Ad Castillo’s Patayin Mo Sa Sindak Si Barbara. Makakasama niya sina Guji Lorenzana at Max Eigenmann.

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *