ni Reggee Bonoan
Sa kabilang banda, si kuya Boy pala ang kasama ni Kris sa meeting nito kay Regal producer Mother Lily Monteverde para sana sa movie project with Derek Ramsay.
“Isinama ako kasi Deo can’t make it, so naki-upo naman ako roon (meeting), naki-brainstorming naman ako, ha, ha, ha,” tumawang kuwento ng isa sa manager cum consultant ni Kris.
Ending, hindi pala tuloy.
“Hindi pa naman sila nagkaka-agree, I think it’s in the process, they’re trying to fix (schedule). ‘Yung hindi pinayagan, I don’t know. I don’t handle the contract of Kris of ABS-CBN, but she consults, she ask. Sa commercials lang ako.
“But Kris is an artist manager, alam niya ang gusto niya. But ‘yung pelikula nila ni Bimby, ako ang kasama sa mga meetings niyon, she respects my inputs, she respects my suggestions tulad ng brainstorming (Regal) na ‘yun, ako’y nakisali na wala naman akong official status, ha, ha, ha,” natatawang kuwento pa ng King of Talk.
Anyway, looking forward si Kuya Boy dahil pareho silang nominado ni Kris sa Asian Rainbow TV Awards na gaganapin sa Macau para sa mga programang The Bottomline at Kris TV, “it’s a Hongkong based television awards, nasa top 3 na kami. Manalo o hindi, at least nandoon na.”