Monday , May 20 2024

Ret. US Navy, misis patay sa akyat-bahay

CAMP OLIVAS, Pampanga – Natagpuang patay at may sugat sa ulo ang isang retired US Navy at ang kanyang misis kamakalawa ng umaga sa garahe ng kanilang bahay sa Samal, Bataan.

Kinilala ang mga biktimang sina Rogelio Cortez, 75, retiradong US Navy, at Flordeliza Cortez, 66, negosyante, kapwa naninirahan sa Brgy. Sapa ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat ni Brgy. Chairman Rolando de Silva, natagpuan ang bangkay ng mag-asawa dakong 7 a.m, kapwa may sugat sa ulo na pinaniniwalaang hinataw ng matigas na bagay.

Ayon sa mga awtoriad, dumaan ang mga suspek sa likuran ng bahay at ninakaw ang hindi pa mabatid na halaga ng pera ng mga biktima.

Ang mag-asawa lamang ang nakatira sa bahay dahil ang tatlo nilang mga anak ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

(RAUL SUSCANO)

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Kabag sa alimuom ng ulan tanggal sa Krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Humingi ng advance payment para sa sex service
2 ‘KOLEHIYALANG’ CALL GIRLS, BUGBOG SARADO SA KANO

ni Almar Danguilan MASAKLAP ang inabot ng dalawang kolehiyala na sumang-ayong makipagtalik sa 28-anyos American …

Sipat Mat Vicencio

Tiyak na sibak si Sen. Bato sa eleksiyon

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kung inaakalang manananalo pa siya …

Francis Tolentino

Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO

HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *